Tuesday, January 31, 2012

SPAGHETTI ALA ANGELA!

Supposedly dapat sa mga oras na to ay gumagawa kami ng aming case study! But look, nag mo-movie marathon lang sila at nag bo-blog ako dito ngayon.

Ewan ko ba, ugali na talaga namin yung ganito, may dapat gawin pero nauunahan ng movie marathon.

We're here sa house, kanina nagluto si Angela ng Spaghetti. Malapot yung kinalabasan, eh paanong hindi??? Hindi hinugasan yung pasta! Duhhh? Hahaha. At kasama ako sa mga may kasalanan dahil hindi ko rin naisip yun habang hinahalo ko yung sauce ng spaghetti.

Binigyan namin si daddy, inunahan ko na nga e. Bawal mag-comment! You know? Hahaha. Somewhat verdict and all.

As of now, habang nagttype ako at naunuod sila ng LazyBones ata yun, inuumpisahan na naman namin yung case study. Hoping na matapos ito ngayong araw because It's now or never ang drama nito.




~K!

Thursday, January 26, 2012

PLEDGE: Contract Signing!






Katuwaan pero Seyosohan! Napagkasunduan namin na magaroon ng kontrata regarding "NO-BF-UNTIL-GRADUATION" Una pa lang nag agree na kaming tatlo. So para maging makatotohanan, gumawa pa kami ng contract na pipirmahan.  Then may mga consequence pa pag hindi ka nakatupad na sobrang nakakahiya.

Isang taon pa bago kami grumaduate kaya mahaba habang no-bf's pa talaga. Feeling ko naman matutupad ko. Ewan ko lang sa kanila. Oppppsss never say neverrrr!


Kahapon, dinala ko na yung contract. Since ako yung gumawa malamng ako yung magdadala. Breaktime nun ng maisipan naming kumain sa Mcdo. After some commotions happen sa kinakain ni Joan, pinalabas na nila sa 'kin yung contract. At nagkapirmahan na nga!



'I'll post if something happens ;)

No class, still tired!

So, why why why!
E kasi nga pumasok kami ng 11am para sa Tourism class namin, e sabi wala raw class kasi yung mga ibang students nsa inter-ABE dahil hindi pa raw tapos which is last week dapat tapos na.
So, yung mga prof na iba nandun rin kaya ang sabi sa'min nung prof namin sa tourism na nasa school naman, hintayin na lang raw muna namin yung iba naming classmates hanggang 12:30pm then kapag dumating sila mag qui-quiz kami since next week midterm exams na.

So nag hintay kami, mga 11:30am sinabi nung prof na ipa-photocopy muna namin yung material just in case na dumating yung iba, yun raw yung nasa quiz atleast may masasagot kami.

Hanggang mag 12:30pm na, ina-nounce ng wala na talaga. So lumabas kaming medyo badtrip na rin.

Since ayaw pa naming umuwi dahil halos kadarating pa lang rin naman namin, nagpunta kaming Gotesco Mall, yung classmate ko kasing si Joan nag aya sa Robinson para bumili ng personal stuffs. Halos naikot namin yung Robinson ng 30mins halos but good thing marami din naman kaming nabili kahit papano. Like more than two. Plural na yun right? Hahaha.

After ng grocery-grocery-han, naghanap naman kami ng HALF-SHOES for Angela, ikot kami ng ikot sa mga stores dun hanggang nakalabas na kami and nakarating sa Victory Mall pero wala pa rin kaming nakita hanggang sa bumili na lang ulit si Joan ng wallet niya.

Sa kakaikot namin, well, nagutom kami. Nagpunta kami sa Rimer's first time namin kumain diyan kaya cross-finger talaga ko. Puro kasi siya Silog. You know, sinangag-itlog thingy


I ordered HOT-SI-LOG, you know, baka kasi hindi ko magustuhan yung Longganisa, etc. Hindi sa maarte pero pinipili ko yung longganisang kinakain ko tsaka hindi ako mahilig sa Sinangag na may bawang (Pano magiging GarlicRice kung walang garlic? Lol!). So ayun, naghintay lang kami ng ilang minuto at sinerve na. Pareho kami ng order ni Joan, kay Angela yung Longsilog.
Okay naman yung kinalabasan. Nabusog naman kami and stuff. After namin kumain, umalis na kami dun sa mall.

Since ayaw pa rin namin umiwi dahil 2:00pm pa lang nun. Nagpunta muna kami ng Unisilver. Bumili kasi ng Earings si Angela. Then dumiretso na kami sa national Bookstore.

Nagtingin tingin lang kami since hindi naman talaga namin balak bumili.





Yan yung mga books na nagpatawa sa 'kin ng bongga. Hahaha. Ang galing kasi e. Cover pa lang right? Balak ko nga i-follow yung blog niyang si Jay. Lol.

Inabot kami ng hanggang 3pm. Noong napagod na kami, nagdecide na rin kaming atlast, umuwi!


Shot sa Tricycle ;)
Hindi obvious na nag ta-take ako ng picture kasi front cam yung gamit ko. Hahaha, akala nila nagsasalamin and stuff lang ;)


3:40pm, nakauwi na rin ako sa nakakapagod na arawww!

National Bookstore: The "NEW" Library!

Tuesday pa to dapat e kaso tinamad akong mag blog sa phone. Ang dami kasing photos na i-insert kaya medyo natagalan hihi.



Sila ang may kasalanan kung bakit ako nag start mag blog ng ganito. Paano ba naman kasi, while wandering around inside national bookstore sa Gotesco Mall near monumento circle, I saw this two highschool-er inside, reading getting all those information they needed. Like don't they have library and stuff on their school? Obvious naman na mali yang ginagawa nila right? Binili ba nila yung books? I mean, you have to buy it first before you use it.

Naisip ko tuloy, ano na nga ba 'tong place na ito. Library? Bagong library?
Hahaha, whateverrr hindi ako nagpapaka-mean dito. Kay? Nagtataka lang ako and I wanna burst it out and all.

Saturday, January 21, 2012

LSS REVIEW: YOU DA ONE by Rihanna/Yassi ;)

You the one that I dream about all day
You the one that I think about always
You Are The One So I Make Sure I Behave!
My love is your love, your love is my love


Noong narining ko for the first time yung kanta na yan sa Party Pilipinas na kinakanta pa ni Yassi Pressman, oh well na LSS na talaga ko agad.

Di ko alam na kumakanta pala si Yassi kaya sobrang napa wow ako. Iba kasi yung tempo nung kanta.

Pero dahil TWEEN HEARTS na agad after nung song number sa Party Pilipinas, di na ko nag abalang idownload yun besides, diko rin alam yung title. Hahaha.

Kanina, nung nagbabasa ako ng mga tweets sa dashboard ko, may nabasa akong tweet na "LSS" raw siya sa kinanta ni Yassi sa PP na YOU DA ONE. Since online na rin naman ako, si-nearch ko na siya then download.

Kinakabahan pa nga akong ma interrupt yung download kasi naka mobile lang naman ako. Buti nalang nagtuloy tuloy siya.

So pinakinggan ko na nga siya. Ayunnn! Epic si Rihanna haha, pinaulit ulit ko na siyang i-play kahit na sobrang naiinis na yung kapatid ko kasi naiingayan siya. Hahaha! At habang pinaplay ko siya, naiisip ko si Yassi habang kinakanta niya yung song ;)



BOTTOMLINE: LSS akoooo!