Thursday, January 26, 2012

No class, still tired!

So, why why why!
E kasi nga pumasok kami ng 11am para sa Tourism class namin, e sabi wala raw class kasi yung mga ibang students nsa inter-ABE dahil hindi pa raw tapos which is last week dapat tapos na.
So, yung mga prof na iba nandun rin kaya ang sabi sa'min nung prof namin sa tourism na nasa school naman, hintayin na lang raw muna namin yung iba naming classmates hanggang 12:30pm then kapag dumating sila mag qui-quiz kami since next week midterm exams na.

So nag hintay kami, mga 11:30am sinabi nung prof na ipa-photocopy muna namin yung material just in case na dumating yung iba, yun raw yung nasa quiz atleast may masasagot kami.

Hanggang mag 12:30pm na, ina-nounce ng wala na talaga. So lumabas kaming medyo badtrip na rin.

Since ayaw pa naming umuwi dahil halos kadarating pa lang rin naman namin, nagpunta kaming Gotesco Mall, yung classmate ko kasing si Joan nag aya sa Robinson para bumili ng personal stuffs. Halos naikot namin yung Robinson ng 30mins halos but good thing marami din naman kaming nabili kahit papano. Like more than two. Plural na yun right? Hahaha.

After ng grocery-grocery-han, naghanap naman kami ng HALF-SHOES for Angela, ikot kami ng ikot sa mga stores dun hanggang nakalabas na kami and nakarating sa Victory Mall pero wala pa rin kaming nakita hanggang sa bumili na lang ulit si Joan ng wallet niya.

Sa kakaikot namin, well, nagutom kami. Nagpunta kami sa Rimer's first time namin kumain diyan kaya cross-finger talaga ko. Puro kasi siya Silog. You know, sinangag-itlog thingy


I ordered HOT-SI-LOG, you know, baka kasi hindi ko magustuhan yung Longganisa, etc. Hindi sa maarte pero pinipili ko yung longganisang kinakain ko tsaka hindi ako mahilig sa Sinangag na may bawang (Pano magiging GarlicRice kung walang garlic? Lol!). So ayun, naghintay lang kami ng ilang minuto at sinerve na. Pareho kami ng order ni Joan, kay Angela yung Longsilog.
Okay naman yung kinalabasan. Nabusog naman kami and stuff. After namin kumain, umalis na kami dun sa mall.

Since ayaw pa rin namin umiwi dahil 2:00pm pa lang nun. Nagpunta muna kami ng Unisilver. Bumili kasi ng Earings si Angela. Then dumiretso na kami sa national Bookstore.

Nagtingin tingin lang kami since hindi naman talaga namin balak bumili.





Yan yung mga books na nagpatawa sa 'kin ng bongga. Hahaha. Ang galing kasi e. Cover pa lang right? Balak ko nga i-follow yung blog niyang si Jay. Lol.

Inabot kami ng hanggang 3pm. Noong napagod na kami, nagdecide na rin kaming atlast, umuwi!


Shot sa Tricycle ;)
Hindi obvious na nag ta-take ako ng picture kasi front cam yung gamit ko. Hahaha, akala nila nagsasalamin and stuff lang ;)


3:40pm, nakauwi na rin ako sa nakakapagod na arawww!

No comments:

Post a Comment